If-Then-Else
  

Posts tagged personal.

Unfinished literature

I was about to resume something i thought that could really help or somehow could make me accept things smoothly. But i knew it would be delayed forever. I read an article, it made me really sick. Disappointments rushed into my veins and tortured every happy cells in there. I never expected that it could be that worst. I thought things beyond to what the universe really knew throughout those playful years. Made me feel betrayed and played by hands of wax figure i thought was true. Definitely, it’s not and would never ever be real. Now it has left me craving for reactive gas to spoil every single thing left to unfasten.


So maybe it isn’t worth confirming what we already know about people we understand so well.

A fatal stabbings

Hindi ko alam kung bakit may mga taong kayang magsalita sa kapwa nila ng masasakit na salita na kulang na lang durugin lahat ng meron ka. Masakit kasi talaga sa puso literal.

Pangalawang beses na nya na tong ginawa sakin. Nung unang beses pinalagpas ko kasi nagsorry din naman agad. Pero ngayon hindi ko na kayang palagpasan na walang sinasabi para ipaglaban yung sarili ko. Ayoko talagang nakikipag-away kasi alam kong sumasakit puso ko. Gusto ko hangga’t maaari idaan sa usapan. Buong buhay ko walang umaway sakin, except sakanya at sa isang babae. Yung isang babae, hindi ko pinatulan kasi alam kong hindi nya naman ako kilala para masabi lahat ng nasabi nyang masasakit sakin at sya ang girlfriend ng bestfriend ko year 2012, i respect her. Tapos ayan na nga si kuya, president ng organization kung saan officer din ako. Masakit magsalita, kayang ipamukha sayo na wala kang kwenta. Hindi ko na kinaya yung sinabi nya sakin kaya tinapatan ko na rin. Sa totoo lang kasi sinubukan ko syang intindihin almost a year na nga ata. Na sa sobrang maintindihin ko sumabog na ko ngayon. Thankful ako kase napakalma ako dahil sa mga kachat ko. Pero ilang minuto kong naramdaman yung sakit ng puso ko again it’s literal.

#personal  

Mas masakit pa sa break up

Awang-awa na ko sa sarili ko. Yung araw araw na lang iiyak ako kasi nahihirapan ako sa kalagayan ko, di ko alam bakit parang simpleng sakit lang naman to pero nakakamatay kapag nagsabay sabay. Yung migraine ko hindi na nawala, yung lagnat ko pausbong usbong, yung ilong ko bigla na lang magdudugo kahit hindi naman malamig at hindi rin naman mainit. Pero yung malala talaga yung ngipin ko, sabi kasi ni doc hindi na daw tinatablan ng mefenamic. Maya’t maya sumasakit, hindi lang simpleng kirot pero yung sobra sobra sobrang sakit, kaya maya’t maya rin, iyak ako ng iyak. Kasi wala rin akong magagawa kundi ipahayag yung sakit na dulot non. Magang maga na yung mata. Sobra sobra nakong nahihirapan. Sana matapos na. Lord please.

#personal  #Lord  #pls  #po  

This must be the effects of being attracted to new findings. Actually, i really don’t know how i come up with this. This is off topic to what i’m trying to find. But i know there is something wrong i need to find out.

Bakit nagbago?

May kaibigan akong lalaki close na close ko yung taong yon, puro kalokohan at panggagago oras oras kapag katabi mo sya. Nung first week kaming dalawa yung laging magkasama, lunch, tulog sa library, tabi sa upuan sa lahat ng subject ganon ko sya kaclose. Tapos ako na yung umiwas sakanya after pinapasama ko sya sa mga tropa naming lalaki nung first term kasi puro malisyoso at malisyosa yung mga tao. Ako naman bumuo ako ng friendship with other girls. Mas okay ako kapag babae yung kasama ko atleast alam kong hindi kami talo hahaha. At wala silang masasabing “kalandian”.

Tapos itong mga huling araw, iba na yung kinikilos ko. Umuuwi ako ng dorm kapag lunch or mahaba yung break tapos matutulog ako. Sa uwian, umaalis na ko agad hindi ko na sila hinihintay. Sa room, minsan na lang ako tumabi sa mga kaibigan ko. Tapos hindi mo na rin maririnig yung bunganga ko na laging si comment sa lahat ng lessons. Hindi mo na rin maririnig yung pang-aaway at pagsusuplada ko sa lahat ng nagtatanong sakin. At lalong lalo hindi mo na rin ako maririnig tumawa ng malakas. Halos araw araw tinatanong ako nung kaibigan kong lalaki kung bakit ako ganito, bakit ako matamlay, bakit ako walang kibo.

Okay ako. Okay talaga ako. Pero ewan ko alam kong hindi ako okay hahahahhaha. Pero okay ako. Okay talaga ako. Ibabalik ko promise si joy pero wait lang i need space bar.

#personal  

Not a people pleaser.

Hindi ko na isisiksik yung sarili ko kung alam kong ayaw naman talaga sakin. Kasi sa totoo lang, madali lang naman akong makisama. Kahit saan ako mapadpad makakahanap at makakahanap ako ng taong maasahan. Ayoko lang kasi na binibigla ako, biglang hindi papansinin, biglang iiwan. Kasi gaganti talaga ako hahahaha. Mga ilang salita lang yung maririnig mo sakin at mauuna talaga akong umuwi hahaha. Ayoko na kasing magpakanega sa sarili ko. Hindi ko iisipin na may problema sa sarili ko kasi ikaw lang naman yung biglang nagbago edi ikaw may problema, ikaw yung abnormal hindi ako. Ok?

#personal  

Fading image

Pansin ko lang ang madalas mangyari sakin ay yung pagselosan ako ng mga girlfriend. Noon nga umabot pa sa puntong tinext ako, nag-anon, gusto akong sampalin, pinagchismisan, tinawagan ako, sinabihan akong malandi. Hindi ako natutuwa kasi mas lalo akong nadodown, para bang may mali ako na hindi ko matama-tama kasi paulit ulit syang nangyayare. At isa pa wala akong makitang dahilan para pagselosan ako, hindi ako maganda, sexy, maputi, mayaman. Edi ang ibig sabihin kasi malandi ako? Ang sakit kaya non para sakin. Kasi iba yung pagkakakilala ko sa nakikita at hinuhusga nila. Kaya nga gusto ko palagi lahat kami babae sa tropa, babae lagi kong kasama or gay. Yung mga kaibigan ko ngang lalaki hanggang ngayon ang tawag sakin ‘Suplada’. Yun talaga yung pagkakakilala ko sakin, suplada ako pagdating sa lalaki. Tapos ako pa tong napapasama sa mga girlfriend. Nice one

#personal  

Baby baby baby ohh

Meron akong anak anakan na freshman, lalaki sya. Nakilala ko sya kasi schoolmate at crush sya ng pinsan ko nung highschool. Tapos nakwento ng pinsan ko na sa feu din mag-aaral, bsce din yung program. Naging close kami nung chinat nya ko sa fb. Hanggang sa naging textmate kami. Nagpapaturo kasi sya sakin ng mga hindi nya nagegets na subject. Ang tawag nya sakin mi, nay, ma iba iba hahaha tapos tawag ko sakanya anak, nak or junakis XD. At ang hindi ko lang matanggap nag-i ilove you sya sakin. End~

Why fate?

I accidentally press my phone and it rings. And when i look at my phone, i feel how my eyes become wider, how my jaw drops on the floor. I am calling the number of the one who once becomes the center of my everything. Lucky, i wake up from dreaming he’s the one almost months ago.

#personal  

Pushing you away

“Yung panlima kong girlfriend, ayun na yung huli at pakakasalan ko.” -jd JUNE 2013

Hindi kasi ako yung para sayo. Hindi kita kayang gustuhin, pano pa yung mahalin? Ayoko na sa mga buhay peg-ebeg na yan. At yung huli, gusto ko na lang sana tumandang dalaga at mamatay na dalaga. *bow*

#personal  

#Debut2015

image

Sa totoo lang noon ang gusto ko talaga, magkaroon ng formal na party para sa 18th birthday ko. May 18 roses tapos bababa ako sa hagdan habang yung mga bisita pinapalakpakan ako hahahaha. Tapos nabago gusto ko na lang pala magrent ng isang bar para maramdaman ko na dalaga na talaga ako. At yung huli, final na talaga gusto ko na lang pala magtravel na lang sa ibang bansa.

Kanina nga nag-usap kami ni papa via skype. Ang gusto pala nila magparty ako. Ayoko talaga kasi maloloka ako sa bisita hahaha andami kasi. Sa Cavite palang, plus Laguna, Bulacan, and Manila. Feeling ko maiistress lang ako hahaha. Natatawa na lang ako kay papa kasi hinahamon nya ko, Manila Hotel daw. Three gowns by Rajo Laurel. Hays hahahaha drawing. Pero sabi nya sa december daw magdedesisyon sya kung ano yung mangyayari. Pls grant my wish.

#personal  

And i’m on the sappy side again.

The truth is i wish for it. I wish to live and study in Manila. I really don’t know why i feel this emotion again and again. I almost live for a year in Manila, far away from my family and friends. But i still have that doubt i don’t know where it comes from and what are the reasons behind it. That feeling of being pulled and you can’t resist. Like you need to go but you don’t want to go. You’re helpless and controlled by yourself. Hays i should boost my fighting spirit. On monday, it’s my first day in second year college. Fight till the very end girl!

#personal  

Fear

May larong “Do you love me”, nataya siya so lalapit sya sa isang tao at tatanungin ng “Do you love me?” may gusto sakanya yung scc pres namin si kuya erhyck, bakla yon kaya tinanong nya syempre ang sagot “Yes, I do” alam na namin yon kaya ready na kaming tumakbo at masaktan physically hahahaha. Nung patapos na yung game sya ulit yung nataya, halos lahat friends nya sa totoo lang, kasi officer din naman sya pero lumapit sya sakin at binulong na “Sabihin mo you only love those who wear white tshirts” edi yung tinanong nya ko ng “Do you love me?” Sabi ko “No” bigla akong sinabutan ng sandali ni kuya erhyck at sinabing “Buti naman hahahaha joke lang sis” ayun tawanan. At sunod kong sinabi “Because i only love those who wear… white tshirts”. Natatakot syang mareject ayun yung bagay na nakasisiguro ako sakanya.

#personal  

Nung elem ako, journalist ako ng school paper namin. Dun ako sa part ng sports writing. Masaya talaga ako sa pagsusulat bata pa lang. Tapos nung hs ibang school na, hindi na ko sumali sa mga ganon hindi ko kase alam kung saan ako sasali hahahah pero gustung gusto ko talaga. Kaya ayun nagblog at nagdiary na lang ako. Tapos ngayong college naman nagkaroon ulit ng opportunity, gumawa ako ng 3 articles puro cram hahahah binigyan kase kami ng limited time. Pero okay na rin ako sa ginawa ko kahit napangitan ako hahahah binigla kasi ako sa three articles tapos yung iba, dalawa or isa lang. Daya! Tapos yung thesis din, another opportunity.

Naging pangarap ko din nung bata ang maging writer at author. Ewan ko ba masayang masaya talaga ako kapag may natatapos akong essay, story, article. Feeling ko ang lakas lakas ko hahahahaha no connections.

Will keep you safe forever

Una, naisip ko na napakaimmature kapag ginawan ng kalokohan. Tapos naalala ko immature nga pala ako kaya okay lang hahaha. Ayoko lang kasi talaga na nasasaktan, napagtitripan, napagtatawanan yung bff ko. Oo mahina sya, kayang kaya ng kahit na sino. Ganun na talaga sya e, pero may isang pagkakataon na nakita kong naging matapang sya, nung persyir habang hawak ko yung kamay nya, habang katabi ko sya palagi, habang sumisigaw kami sa room ng “‘Coz we are the Chikadora Sister!!!”. Pagkatapos non, nagtransfer ako sa ibang school nabully na ulit sya. Kaya nga noon galit na galit ako sa sarili ko kase nung mga panahong kelangan nya ko tska pa ko naglaho. Para kasi sakin ako yung guardian angel nya, na habambuhay ko na syang poprotektahan sa kahit na ano. 

Ngayon naman yung mga “kaibigan” nya nilagay yung number nya sa bus. At napakaraming nagtetext. Ha! Lord pls hagisan nyo ng toothpick yung ulo nila!! Sabuyan nyo ng asin para umalis ang panget na kalooban!!

#personal  #bff