Sir Alex
Sir: Pano basahin to (8!)
Classmate1: Eight factorial
Classmate 2: Eight factorial
Sir: Ano ba yan ang tanda tanda nyo na di nyo alam yan!!
Sir: Miss Chua basahin mo nga!
Me: EIGHT!!!
Sir: Very good!!!
Classmates: HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA
Tanda nyo pa yan sir? Ako tandang tanda ko pa yan. Magkakampi tayo sa kalokohan jan e. Di ko din malilimutan yung mukha mo sa tuwing tatawa kami ni Sharmaine. Diring diri ka samin hahahaa sabi mo wag kaming tatawa kapag nakipagdate kami. Yung advice mo sa pagboboyfriend sabi mo wag naming sasagutin kapag inaya kami sa Mcdo, Jollibee o KFC hahahaha. Yung very protective ka sabi mo magstocking ako o kaya bumili ako ng mahaba habang shorts para di mabastos. Yung nahulog ako sa hagdan, ako yung tumawa at pinagalitan mo pa ko ikaw yung sobrang nag-alala. Yung panahong nacorner mo ko sa registrar tinanong mo kung gusto ko yung bata mo. Ang daming memories sir sobrang dami di ko na mabilang.
Yung huli kitang nakita? Malaki pa yung ngiti mo sir. Ngayon? di ko alam pero pakiramdam ko iba yung nakita kong nakahiga don. Para bang gusto pang dumilat ng mga mata mo, parang meron ka pang gustong iparating. Pero paano na nga ba sir? Iniwan mo na kami. Hanggang ngayon sir yung respeto ko mataas pa rin at kahit na anong dahilan hindi na bababa yon. Ganon na yung tiwala ko sayo sir. Sobrang masaya ako sa lahat ng mga alaalang kasama kita. Sabi ko pa nga noon babalik at babalikan kita kasi sobrang laki ng naitulong mo sakin. Alam ko sir na nung pinili mong iwan kami gulong gulo ka, marahil walang kapatawaran para sa iba yung ginawa mo pero sir hindi ikaw yon, naniniwala akong hindi yun yung totoong ikaw na naging teacher at kaibigan ko, ibang Sir Alex yon. Ibang tao yon na nilamon ng kasamaan. Kung nasaan ka man ngayon sir lagi mong tatandaan na ang puso laging nagpapatawad. Kahit gano kabigat o kalaki yung kasalanan ng isang tao darating at darating pa rin yung oras na kaya ka ng tanggapin, kaya ka ng patawarin kasi mahal ka nila. Kailanman ay hindi matitibag ang pagmamahal ng isang pagkakamali. At alam kong pinatawad ka na rin ng Panginoon, anak ka nya matitiis ka ba nya? Mahal na mahal kita sir. Sana nasa maayos na kalagayan ka ngayon. Hanggang sa muli.

