03/21/15
Best night ever!! Sobra sobra yung naramdaman ko last night huhu. Bago palang lumabas yung One direction with no Zayn yung puso ko tumatalbog na hahaha kinakabahan ako tapos punong puno ng excitement shet. Lalo na yung paglabas ni Harry ohh shet. Talon ako ng talon tapos grabe lang sobrang saya huhuhu. Hindi ko maexplain basta ang saya saya talaga. Kinilig ako, tumawa, nalungkot ako sa mga part ni Zayn na kinanta ng ibang lads, tapos umiyak ako hahahaha putek hindi sya basta iyak pero iyak ng iyak huhu yung pinanood yung video habang kumakanta ng Don’t forget where you belong. Hindi ako naiyak dahil wala si Zayn kasi naiyak ko na yun nung isang araw. Naiyak ako sa sobrang tuwa sa sobrang overwhelm di ko din alam. Ilang taon akong naghintay pero ayan na narinig ko na yung boses live. Naramdaman ko silang nandito na talaga. Nakita ko kung gaano ka worth lahat. Nakita ko silang masaya at nagenjoy talaga. Iba yung feeling best night ever!!! ☺️😂😭