"Hi punta ka sa bday ko pero joke lang"

Ito talaga yung nakakainis sakin yung okay na sila lahat tapos biglang ayoko na pala. Yung wala akong isang matinding desisyon. Pabago bago pa isip ko. Kunware mahal kita tapos yoko na pala sayo sinaktan mo ko iwan kita tapos maghahabol ako sayo tanga ko pala. Okay wag yon. Yung simula kasi talaga ayaw ko tapos naging gusto ko tapos ayaw ko ulit tapos gusto ko, ngayon ayaw ko na ulit magparty. Ang problema nabayaran na yung venue, meron ng photo and video coverage, gown, cater, photobooth hahahahahha ang tanga ko diba pero hindi kasi ako yung nag-aasikaso kaya di ko alam meron na palang ganito ganito. Meron na din akong naimbita pero konti pa lang naman kasi wala pa yung invitation. At tska alam kong ganito ako kainis naman yung sarili ko hahahaha.

Ps. Sana kasi nakakausap ko pa rin yung taong palaging nagpapalakas sakin tulad ng dati. Kapag natatakot ako, kinakabahan, naguguluhan last minute. Siya yung kailangan ko sa mga oras na yon.